

Bloom in dust.
Buhay OFW
Masasabi ko na rin sa sarili ko na isa akong OFW. Akala ko nung una madali pero nung tumagal parang nararamdaman ko na ang pagod. Saan ba dapat ako mapagod, sa trabaho o sa buhay? Ganito. Mahirap kung first time mong mawalay sa pamilya mo pero sa kaso ko matagal ko nang nalampasan ‘yon. Sa araw-araw na buhay ko bilang isang overseas worker ang tanging nakakapagpaligaya sa akin ay ang gumala at syempre bago pa lang ako dito sa lugar na ‘to at ang daming kailangan i-explore. Isa pa ay ang mga kasamahan mo at kahit saan ka mapadpad may Pinoy. Isa din sa paraan ng paglilibang sa sarili ay ang makamit ang mga gusto mo, halimbawa na lang ng mga damit at gamit. Beats by Dr. Dre? Siyempre meron na at mura pa!
Sa trabaho naman hindi ko masasabing madali pero nakakaya naman. Wala naman sigurong trabahong hindi ka mapupuyat. Buti na lang at may mga tao pa rin na handang tumulong sa’yo. Ito ‘yong sinasabi ko na ‘kahit saan ka mapadpad may Pinoy’. Kaya parang nasa Pilipinas ka lang din.
Ang kaibahan nga lang ay malaya ang bansa natin at sa sobrang laya habang may problema ka na nga nadadagdagan pa ng gobyerno pero dito trabaho lang at sunod sa batas dahil kapag lumabag ka wala ka ng takas. Pero madali lang naman sundin.
There’s no better place to live in. Pero kahit saan ako magpunta dadalhin ko pa rin ang puso ng isang Pinoy.










